February 14 mga 7 years ago. Flash back ng konti. Single, may gusto pero hindi sigurado kung gusto din ako.
Malabo, excited ako pumasok lagi kasi seatmates kami. Konting dikit ng elbows parang nakukuryente ako. Ganito buong Sem, magkikita pag pasok, magka text pag uwi, sa gabi may sundot pang tawag, usual na love life ng isang estudyante.
May crush din daw sya saakin sabi ng classmate namin, sabi daw nya at may comment pa obvious naman na type kodin sya e, bagay kau, bat di pa kau?
Duhh as if kaya ko mag confess, conservative kaya ako sa ganitong sitwasyon.
Graduation, di sya kasama kasi he stopped, akala nya his band will make it to Japan, unfortunately hindi natuloy... Sayang.
No communication shortly after 2 years, oh well thou conservative ako, meron akong chat mate at text mate, nag aaliw saakin, parang like ko na sya, nagkita naman kami, mas gwapo si classmate but he is nice, mas may substance kaysa kay classmate. Maraming mas si chatmate yun nga lang ung number one factor in choosing a partner, yung panlabas na anyo, sige sige judgemental na ako pero sino ba naman ang hahanap ng chaka na jowa kung di ka naman kagadahan, baka pagsakluban ang magiging offspring.
Anyway, ayun meron akong taga aliw nung nawala sya... Maraming nangyari, forgotten na si chatmate kaya lang bumalik si classmate pero tae sa lahat ng mga taeng lusaw torpe to the maximum level si Classmate... di kayang magtapat, puro pasaring...
Wow, MU na kami, akala ko yun, siguro nga, lagi na kami nagkikita, nagupunta sya sa office, , nagkikita sa gabi, punta sa gig nya, mas madalas na text kwentuhan, kahit sabihin kong matutulog na ako maglalambing muna, wag daw muna ako tulog kasi gusto pa ng kausap... Ganito kami for the longest time, nakakasawa naman pala, kasi naman bakit hindi uso ang status na exclusively dating noon. MU palang ang uso :(
Nagsawa kami pareho, baka ako ang inaantay nyang magsabi na mahal ko sya, e hinihintay ko din sya... patay na... wala na hintayan hanggang parehong napagod...
February 14, 6 years ago. The Pursuit of the one who is persistent.
Napagod kay Classmate, oh well may fall back si Ate, si Kuya na matiaga, si Kuya na lamang sa lahat kay classmate maliban sa pretty face, oh well, just so you know si Classmate may hawig kay Brandon Boyd pero baka ilusyon ko lang iyon. Going back, yes... Si Kuya nalang baka dito happy na Valentines day ko.
Sabi nya love nya ako, medyo feel ko naman, o sige tutal new age era na, madami nading pagmamahalan na nabuo sa net ang nangyari so siguro nga ok na din sya, since hindi ko nadin naman matake ang araw na wala kami communication siguro nga love ko na sya...
And the rest is history between me and Kuya.
February 14, at present, daig ko pa ang single, in reality married na ako e, 5 years into the marriage pero bakit parang nag se-celebrate ako mag isa. Kung hindi pa mag aaway wala pa akong bouquet of flowers, pero gagalitin mo ko na tipong konti nalang puputok ang ugat ko sa puso at utak saka pa ako bibigyan ng flowers? Maapreciate ko ba iyon? well, siguro sa iba oo, pero ako hindi ko naappreciate. Malalim ang pinaghuhugutan ko. Bitter Gourd and drama ko...
February 14, last year, nag away din kami big fight, he gave me flowers a day after heart's day... Everyone has their own share of happy heart's day, me, oh well, am mad on the day na dapat punong puno ako ng pagmamahal. Ang sakit sa bangs diba? Valentine's, may asawa, 5 years palang kasal dapat sweetie sweetie pa pero kami, hayyyy....
Hindi nga ako magawang madala sa movie house. Nung single ako, stress buster ko yan e, mag sine mag isa, pero syempre okay na okay din ung may kasama ka, para naman sweet ang ambiance. Ni hindi nga ako magawang ma dinner date, lunch date or breakfast date... Just typing this my hinaing in my married life naiiyak ako...
Likas talagang hindi ako sweet, alam ko naman yun, pero ikaw sabi mo sweet kang tao, bakit hindi mo ilabas saakin, malay mo ma compliment ko naman ung pagiging sweet mo sa ibang bagay. No chocolate from you? If I'll ask you nga if you know my fave chocolate e hindi mo alam ang sagot, oh well, 3 musketeers, Cadbury's Dairy Milk and Snickers. Yan lang masaya na ako e.... Mabuti pa ang dati kong boss, binigyan ako ng snickers nung birthday ko, ikaw ano ba? kahit nga chocnut talo talo na basta galing sayo... Kaso bokya e, kaya ito kawawang si Ako, mag celebrate mag isa.
Dahil nga sa magkaaway kami, naisip ko mag sine mag isa, maganda daw ung movie na The Vow, o di nagplano na akong manood alone, tpos dumating si Kuya, 15 minutes before mag uwian, so I thought complete package na, mag sine, kakain etc. etc., kahit ako naman mag bayad okay lang tutal sanay na akong tagabunot pag lalabas tayo. kaya lang wala e, you want to go home na... Sira ang plano.. Sad nanaman ako...
Prior to Valentine's, at present, nagkasundo na kami manood ng UP FAIR on Feb 18, date namin then after ko makita si Armi ng Up Dharma Down punta na kami sa Wensha para mag relax... We have tickets na but with our fight, I doubt kung magiging happy pa ako this week.
Wow na wow talaga, mabuti pa nung Single ako no expectations kasi wala naman akong jowa meron man unofficial ika nga so hindi ako umaasa pero ngayon? masama bang umasa ako? natural naman na umasa ako may asawa na ako e... haaaay next time, di bale, i'll treat Valentine's as if it is All Souls Day para hindi na ako masaktan.
No comments:
Post a Comment