There is nothing special about me, unless you care to know...
I am a happy spirit na mahilig sa dagat, siguro Sirena ako nung past life ko... Walang malay sa kahalayan lol pero baklang bakla sa lahat ng aspeto ng buhay.
Minsan nabansagang may saltik, sabi kasi ng Nanay ko na-tipus daw ako kaya siguro ganon ang ugali ko. Pero sabi ng asawa ko baka daw bipolar ako.
Pareho silang hindi ako naiintindihan siguro kaya yun ang iniisip nila.
Frustrated ako sa buhay maliban sa career life ko pero masaya ako at may anghel ako sa katauhan ni Justin Miles.
Madami akong what if's, kasi takot akong mag take ng risk noon at ngayon huli na para balikan ang lahat.
Mahilig ako sa Cheesecake naging comfort food ko ito nung na depress ako. Madaming tumatakbo sa isip ko at sa dami nila wala akong mahuli ni isa.
Hopeless Romantic ako. Though officially taken, hindi ko ma-feel.
Mahilig akong magsulat pero ang literatura ayaw saakin sayang ang dami pa namang kwento ang buhay ko.
